Hawla

Zild

Composed by: Zild
Limang daang mukha’ng nakita
Gulong-gulo
Naghahanap ng bagong storya
Buryong-buryo
Dalawang mata’y pinapakita
Basang-basa
Sa isip lang nagkakagera
Namumutla

Pa'no ba iwasan
Ang mga nararamdaman?
Sarili ang kalaban
Sino ba'ng nakakaalam?
Samahan niyo na lang ako
Sa mundong aking binuo
‘Di mo kailangan
Baguhin ang sarili
Sumama sa ating samahan

Baril ba ang makakatalo
Sa labang ‘to?
Ngumingiti at nanglalason
Patalikod
Sinasakal ang mga balat
Nabibingi ang mga bulag
Nililibing na kaming lahat
Sawang-sawa sa mga salita

Pa'no ba iwasan
Ang mga nararamdaman?
Sarili ang kalaban
Sino ba'ng nakakaalam?
Samahan niyo na lang ako
Sa mundong aking binuo
‘Di mo kailangan
Baguhin ang sarili
Sumama sa ating samahan

Babalik pa kaya
Ang buhay na nawala
Makakasama pa ba kita?
Babalik pa kaya
Ang buhay na nawala
Makakasama pa ba kita?

Walang pakialam
Kung sama-sama
Sa iisang hawla
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK