Duwag

Zild

Composed by: Zild
Ngayong lumipas na
Wala na talaga akong magagawa
Natatawa

Ako’y nabulag ba
Ikaw ang nasa harapan
Binalewala
Nga ba kita?

Kung ako mapapagbigyan
Balikan ang nakaraan
Sagot ay aking papalitan
Ng tunay na nararamdaman

Kung sakali na nagtapat
Magbabago ba ang lahat
Ano kaya ang magaganap
Kung ‘di ako nagpakaduwag

Ikaw ang nagtapat
Sinabi ko na ‘wag mong dapat
Isipin
Ang damdamin

Taon ang nawala
Doon ko lang napagtanto na
Ikaw pala
Ang mahalaga

Kung ako mapapagbigyan
Balikan ang nakaraan
Sagot ay aking papalitan
Ng tunay na nararamdaman

Kung sakali na nagtapat
Magbabago ba ang lahat
Ano kaya ang magaganap
Kung ‘di ako nagpakaduwag

Jusko
Ang malas ko
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK