Sa tuwing ika'y nakikita 'Di mapigil ang luha sa aking mata Paano nga ba, paano nga ba Paano nga ba'ng limutin ka Kung sa puso ko ika'y nag-iisa Mali ba na ako'y umaasa Tama ba'ng nadarama para sa'yo, sinta Bakit nga ba, bakit nga ba Bakit nga ba mahal kita Kung sa puso mo ay mayroon nang iba Unti-unting lunurin ang aking nadarama O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka Kahit na ulan'y tumila na (ah) Luha sa aking mata'y patuloy pa Ano nga ba, ano nga ba Ano nga ba'ng magagawa Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita (oh) Unti-unting lunurin ang aking nadarama (oh) O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa (ah) Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka Lahat din ay mawawala Kasabay ng pagtila ng nadarama Unti-unting lunurin ang aking nadarama, ah Unti-unting lunurin ang aking nadarama O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka (ah)