ang aking mundo ay payapa sa 'di malamang dahilan at noon ay buo kong inakala lahat ay ayos na naman nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay nagbabalat kayong himala, oh-oh mga pasan ay gumaan ikaw ang tanging dahilan sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan narito ako, tapat lang at totoo pinapangako sa iyo, oh ito ang aking liham sa pag-ibig ko 'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano ikaw lang ang himpilan ng aking puso sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao ligaya ng aking mundo oh, kay rami ng mga bagay na hindi natin maintindihan sa kabila ng lahat ay pilit nating binabalikan mga panaginip na inaasam ako'y binuo ng mabuti't masamang karanasan puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan at gano'n-gano'n na lang pagmamahal mo ay walang anumang ang pag-aabang kaya habang narito ako, magpapagal para sa iyo handang isuko ang buo, oh ito ang aking liham sa pag-ibig ko 'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano ikaw lang ang himpilan ng aking puso sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao ligaya ng aking mundo pa'no kaya kung hindi tayo nagkita? ang buhay ko'y matatawag pa nga bang buhay sa layo ng bituin, ang tingnan nito'y pagtingin sa nakaraang, 'di gunitang tunay oh, paumanhin, wala ka man sa alaala ko'y habang buhay kitang mamahalin mamahalin, yeah ito ang aking liham sa pag-ibig ko 'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano liham sa pag-ibig ko pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo ikaw lang himpilan ng aking puso maging sa hinaharap o nakaraaan, ikaw lang at ako oh, aking mundo, oh ligaya ng aking mundo