I. Umiiyak ka na naman 
Langya talaga , wala ka bang ibang alam 
Namumugtong mga mata 
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa 
II. Sa problema na iyong pinapasan 
Hatid ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
III.Parang pang TV na walang katapusan 
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga 
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka Chorus:
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halagaIV. Hindi na dapat pag-usapan pa
Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita 
Hindi ka rin naman nakikinig 
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
V. Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya
VI. Ang dami-dami naman diyang iba 
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
VII. Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siya'y pinapangarap koRepeat chorus
Repeat VII
Repeat chorus
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK