Oh, aking sinta Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw Ng mga pusong 'di kita makuhang madalaw At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan At sa paglubog ng araw di kita matabihan Kung kahit saan man mapadpad Sayo pa rin ako babalik, giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, ooh Sa halimuyak ng 'yong Anak, kaarawan mo na ulit Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit Naaalala ka ni tatay t'wing ako'y pumipikit Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola O lumangoy sa batis na katulad ng iba At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskwela, puso ko'y nag-uumapaw Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong Kailan ka uuwi? Sa'kin ay binubulong Sagot na: Bukas na, anak, ay palaging nakakulong Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan Kahit saan man mapadpad Sayo pa rin ako babalik giliw, oh Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong Dumating ng araw na aking pinakahihintay Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay Pabalik sa'king pamilya kahit napakalayo Mula sa lugar na para kumita ay dinayo Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na Tsokolate at laruan, pati sabong panlaba Eroplano’y lumapag na ako lamang mag-isa Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala Nung tanungin ko: Teka muna, pare ay bigla na lamang s'yang natawa Nag-iba'ng aking kaba, teka bakit may pumasok pa na dalawa? Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako’y nakatingin Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin ang bibiguin? Kahit saan man mapadpad Sayo pa rin ako babalik, babalik, giliw Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong sampaguita