Biyak

juan karlos

Composed by: juan karlos
Ang bilis ng takbo ng oras
At ako rin ay ‘di magtatagal
Ako rin ay lilipas
Sana'y matupad ang aking dasal

Patawarin mo na ako
Sa aking mga mali
Patawarin mo na ako
Para sa mga sandali

Nung ako’y wala sa iyong tabi
Nung ika'y nabibiyak
Nung ako'y wala sa iyong tabi
Nung ika’y nabibiyak

Ang pagtibok ng aking puso'y
Balang araw ay titigil rin
Ngunit aking maipapangako
Habang buhay kang mamahalin

Mapapatawad mo ba ako
Hindi maikukubli
Patawarin mo na ako
Para sa mga sandali

Nung ako'y wala sa iyong tabi
Nung ika'y nabibiyak
Nung ako'y wala sa iyong tabi
Nung ika'y nabibiyak

Bibiyak, nabibiyak
Nabibiyak, bibiyak, bibiyak
Bibiyak

Nung ako'y wala sa iyong tabi
Nung ika'y nabibiyak
Nung ako’y wala sa iyong tabi
Nung ika’y nabibiyak
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK