Dumating ka na sa dulo ng hangganan Sumisigaw, nag-iisa Sumabay ang luha sa indak ng alon Umiiyak, nag-iisa Binibigkas habang tumatakbo Pumipiglas sa mga yakap ko Pag-ibig ko, bakit lumalayo? Pag-ibig mo, tila naglalaho? Kapag makapiling ka Hindi alam ang gagawin I-iwas ba o titingin? Sa'’yong kagandahan Ang kislap ng iyong mata Ay 'di ko na nakikita Umuwi sa ating sinimulang tahanan Ngunit ngayon, wala ka na Hindi ko sukat akalain pag-ibig mo'y nagbago Ang nais ko’y pag-ibig mo Binibigkas habang tumatakbo Pumipiglas sa mga yakap ko Pag-ibig ko, bakit lumalayo? Pag-ibig mo, tila naglalaho? Kapag makapiling ka Hindi alam ang gagawin I-iwas ba o titingin Sa 'yong kagandahan? Ang kislap ng iyong mata Ay 'di ko na nakikita Binibigkas tanging pangalan mo Hinahanap ang mga yakap mo Pag-ibig ko, bakit lumalayo? Pag-ibig mo, tila naglalaho? Kapag makapiling ka Hindi alam ang gagawin I-iwas ba o titingin Sa'yong kagandahan? Ang kislap ng iyong mata Ay 'di ko na nakikita (Sumusunod sa dulo ng hangganan) (Sumusunod sa dulo ng—)