tawagin mo ako sa pangalan ko hindi ko makakalimutan ang sinabi mo inukit mo ang mata ko sa kandilang dugo ano ang aking mapaglilingkod? ilang beses na akong hinalikan ng karimlan hinding hindi parin sapat ang pag-awit ng pabalang hindi pa ako nakapagsimula kung anu-ano na ang dula nila magpapakalumbay o maghihintay ‘wag ka na tumawid, nakamamatay! anong uri ka ba ng hayop kaharap ng patalim 'kong to? hahagurin hanggang kumain ang pangil mong bumaon sa iyo kakaiba ang iyong sigaw, paos na paos sa paghikbi ginuguhit sa aking isip, oras na para magbigti o- ako ba ang nadapa?! boses mo yata'y nangatal ikut-ikutin mo pa ako sa kagaguhan ng mortal tumigil ka ng kasasabi na ikaw ang mundo dahil walang interesado sa kasinungalingan mo pusang gala! ayoko na’ng maawa! ilang taong paghihirap nauwi sa ganitong paniniwala?! hahayaan ko nang basahanin ka ng aking lipunan hanggang sa huling patak ng luha'y aking masisilayan! humanap ka na ng bayaning kakagat sa bulaan mong mga tula matagal na akong nawala! walang makatang malugod kang isasalba! at 'di mo 'ko diwata, o diwata, o diwata, o diwata wala ako sa langit 'di ako diwata, o diwata, o diwata, o diwata ‘di mo 'ko diwata hindi ka na nakinig sa makulay na panganib ng katauhan mo? hindi ka man lang ba nahiya, paraluman? di ka ba mahal ng magulang mo? ‘wag kang maghanap ng mga santo, sabi mo nga- ano ba ang kaya ko? sinagot ko na’t patawarin mo, ako na talaga ang parusa mo, dahil- ako na mismo ang tatapos ng galaw mong padalos-dalos paraan ko'y di payapa o ang dugo mo na ang aagos isang haplos sa ‘king kamay ‘di nga kita kayang masaktan basta’t ‘wag na! - huwag na ako’ng pipiliin mong dasalan dahil 'di mo 'ko diwata, o diwata o diwata! o diwata! o diwata! o diwata! hindi mo ‘ko diwata