Ayaw Mo Na!

Agaw Agimat

Nagsasabi ka ba ng totoo 
Sa lahat ng pahiwatig mo 
Di makapaniwalang ika'y nagbago 
Namimis mo pa ba ako 

Nagsasabi ka ba ng katotohanan 
Sa iyong mga nararamdaman 
Parang di ko maubos maisip 
Nagbago na rin pati pananamit 

Mahal kita ba't ayaw mo na 
Ayaw mo na kasi mahal mo s'ya 
Gusto kita, 'yan ang totoo 
Ayaw mo na gusto mo katulad mo 

Nagsasabi ka ba ng tunay 
Sa mga nangyari sa 'yong buhay 
Parang ako'y nagtataka 
Di na ikaw ang dati kong kakilala 

Wala bang bahid ng kasinungalingan 
Ang mga sinulat mo sa 'yong liham 
Gusto kitang makita't makausap 
Baka nalito lang kaya ka nagkakalat
Page 1 / 1

Lyrics and title
Chords and artist

reset settings
OK