ng bait mo sa masa Kasalo mo pa sa daing na ulam nila Kahit halatang di mo gusto Pinipilit mo, sa laki ng pagmamahal mo Kinakamayan mo kahit sino Kahit mag-amoy isda 'yang kamay mo Dahil alam mong kailangan nila Ang iyong pag-aruga at ang pagkalinga Ang laki ng puso mo Ang laki ng talino mo Ang laki ng unawa mo Ang laki-laki ng pag-ibig mo Ang laki ng yabang mo Ang laki ng tapang mo Ang laki ng angas mo Ang laki-laki ng ngipin mo! (Ang laki-laki ng asawa mo!) Namimigay ka ng bahay at lupa Trabaho sa mga taong walang-wala Taos at bukal sa puso mo Ang 'yong pagkalinga sa mga kapos at kawawa Naghahanap ka ng kakampi Laban sa mga nang-aapi Pinatawag mong kaibigan mo Dahil may nanggugulo Natutuwa ako't may kagaya mo Mapagmahal at maprinsipyo Gusto kitang yakapin nang mahigpit Sa tuwa, mahigpit na mahigpit Hanggang di ka na makahinga!