Pakiusap

Acel Bisa

Composed by: Acel Bisa/Simplicio P. Bisa
Bukas ay 
May bagong araw
Na sisikat na 
Bahagya ang ningning
Kahit ang 
Ulap nagpapakulimlim
Pilit sumisilip 
Ang gintong liwanag
Sa likod ng tabing

Chorus:
Pakiusap sa'yo 
Kung susulyapan
Na kahit lihim lang
Sana'y may 
Ngiting para sa akin
Pakiusap sa'yo 
Kung lilingon ka man
May maiiwanang 
Buntong-hiningang
May himig ng awit 
Na hatid ng hangin

Tulad ng ngiti 
Mong matipid sumilay
Pilit sumisilay 
Na paminsan minsan
Hindi man malimit 
Hindi man palagi
Pagka't ang ngiti 
Mong sumilay sa labi
Ay tulad 
Ng ngiti ng araw 
Sa likod ng ulap

(Chorus)
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK