Habang Panahon

Acel Bisa

Composed by: Acel Bisa
Naririnig mo pa ba ako?
O tinakpan ka na 
Ng hilig ng mundo
At sakit na 
Iyong nadarama
Binalot ka ng luha't 
Ayaw humingi ng awa

Tingnan mo 
Ang paligid mo
Ito'y salamin 
Ng pag-ibig ko
Lulubog ang araw 
At sisikat din
Di  ito magbabago 
Tulad ng pag-ibig ko

Awitin natin 
Habang panahon
Pagmamahal na binuhos
Huwag sanang ibaon
Pakinggan mo 
Aking bulong

Nadarama mo pa ba ako?
Oh, bakit ba 
Parang kay layo mo?
Buhay kong inalay 
Sana'y tanggapin mo
Upang kinabukasang 
Sayo'y makamit mo

Awitin natin 
Habang panahon
Pagmamahal na binuhos
Huwag sanang ibaon
Pakinggan mo 
Kanyang bulong

Ano pa ba 
Ang dapat kong gawin
Upang maniwala ka sa akin?
Kalian ko makakamit 
Ang iyong pansin
At ako'y iyong mahalin?

Awitin natin 
Habang panahon
Pagmamahal na binuhos
Huwag sanang ibaon
Pakinggan mo 
Aking bulong
    Page 1 / 1

    Lyrics and title
    Chords and artist

    reset settings
    OK