Umaasa Kahit na wala na Umaasa kahit na wala na Ngayong gabi... hindi na padadaig Handang haharapin Hindi kakapit sa patalim Kahit na... Umaasa kahit na wala na Umaasa kahit na wala ng pag-asa Pikit-mata akong sasagupa Hindi aatras May nakatagong lakas Anuman ang mangyari ako'y laging naririto Handang tumulong anumang oras Hindi ka na mabibigo Ikaw lamang ang tinitibok nitong aking puso Sa bawat pintig nito hanggang huminto Sa iyo lumulukso Kapag ika'y nalulumbay, hawakan ko ang iyong kamay Kapag ika'y naluluha, hindi ako mawawala Kapag ika'y nalulungkot, ika'y patatawanin 'pag nalagay sa alanganin, ako'y tatawagin At dali-daling darating kung ito'y kakailanganin Ako'y magsisilbing kawayan sa lakas ng hangin Ako ay ikaw at ikaw ay ako Pumapaindalog sa ikot ng mundo